Integrity Score 120
No Records Found
No Records Found
Awesome 👍
Nice place.. very peaceful. Love it!
So beautiful
Kailan nga ba ang tamang panahon upang magbago ng gawi ang tao?
We all know that lahat tayo ay may mga positive and negative na pag-uugali.
Pero as a person, paano mo malalaman ang exact time para magbago?
I will tell you a story, medyo short lang ito kasi pag mahaba.. aabutin tayo ng isang buwan.
I am a loner by nature, I am a type of person na mas gugustuhin ko pang magkulong sa kwarto kaysa sumama sa barkada. Sino nga ba gusto ang makulong sa kwarto? Malamang ako yun, I enjoyed my own company.. reading books and listening to music. Bihira na yata ang gumagawa nyan pagdating sa mga millenials (children born 2009 onwards). Kadalasan ngayon ng kabataan eh gadget conscious na, hnde yata matatahimik pag walang hawak na cellphone sa kamay nila at nabubuwiset agad pag hnde nakapag update ng fb or ig status nila. So balik tayo sakin, sa madaling salita.. nung kabataan ko, when I was only 9years old, introvert ako, mahilig ako sa bahay lang pagka uwe galing school. Tumagal yun until 1st year higschool, I met this classmate of mine na mahilig sa mga party. Percival ang name nya, mas matangkad sakin at medyo dark ang balat. During highschool days namin, isa sya sa mga binu-bully ng ka-classmate namin. He was tortured by the name-calling na ginagawa ng iba't-ibang bata dun sa school namin. Parati ko sya pinapayuhan na wag sya magpapa apekto sa mga naririnig nya. After school, pumupunta kami sa Pasig Library para magbasa ng encyclopedia kahit wala kami homework sa school. Pag may free time pa, pumupunta kami sa bahay nila sa Bambang Pasig, malapit sa may tulay ng Bambang. Maliit lang yung bahay nila, pero nakikita ko ang pagmamahal ng kanyang Ina sa kanya, minsan nga pati ako inaalala ng kanyang nanay, dami inaalok na food sakin. Dun yata ako natuto na kumain ng gulay, sa totoo lang, hindi ako vegan. One time nga, meron kaming argument ni Percival, kasi puros magaganda lang ang sinasabi nya sakin, puro compliments. Ako mismo nagsabi sa kanya, na sabihin nya ang mga pagkakamali ko para ma-itama ko.